Sunday, August 10, 2014

Ang Pagsasabing "SCAM" ang Philippine Prudential


Sa hirap ng buhay natin ngayon, marami ang nais na maging panatag sa mga perang kinikita. Kaya isa sa mga paraan upang may patunguhan ang ating kinikita ay ang kumuha ng sinasabing "INSURANCE".

May iba't ibang klase ang insurance, maaaring sa edukasyon, sasakyan, bahay o maging sa ating buhay. Maraming Pilipino ang hindi hinahayaang walang insurance ang mga pangunahing bagay na mahalaga sa kanila kung kaya marami ang nagtitiwala sa malalaking insurance company na mayroon sa ating bansa. Marami rin ang sumasama ang loob at nagagalit sapagkat hindi naibabalik ang ipinundar nila o ang mas matindi'y sinasabi nilang naloloko sila.

Ang Philippine Prudential ay isa sa mga malalaking Insurance Company. Maraming hindi magagandang komento ang patungkol sa serbisyo o sinasabing panloloko nito. Ako po'y naghanap ng mga detalye tungkol sa Philippine Prudential. Napatunayan naman nila na sila ay legal na kumpanya na nag-aalok ng iba't ibang klase ng insurance. Isa pa sa nahanap ko sa kanila ay may blog site silang pinaglalagyan ng iba't ibang events  ng kanilang kumpanya (www.philpru-events.blogspot.com) kung masasabing hindi biro ang kumpanyang ito. 

May mga artikulong nagsasabi na ang mga mabababang ahente nila ang tinatawag na scammers  at hindi po ang kumpanyang ito mismo. Sa totoo lamang po, ako po'y naniniwala dito. Isa pa marahil sa hirap kumita ay nagagawa nila ito. Isa pa, kung talagang gusto nating mapanatag tayo, mas mainam kung tayo mismo ay didiretso sa tanggapan ng Philippine Prudential. Alam naman nating maraming nagkalat na nagpapanggap na ahente sila ng isang malaking kumpanya. Hindi maiwasan na maraming Pilipino ang maloko dahil sa magkabilaang mabulaklak na salita ng mga ahente. 

Ang tanong, magpapaloko ka ba o magpapadala sa mga ito? Kung ang iyong nais ay kapanatagan sa perang ipagkakatiwala mo, dun po tayo sa kumpanya dumiretso. Tandaan po natin ang pangalan ng nag-alok sa atin upang malaman kung bahagi talaga sila ng kumpanya  at ma-aksyunan nila ito.

Ang layunin ko po dito ay upang hindi siraan ang isang kumpanya o may panigan. Ang gusto ko po ang magising ang mga kapwa ko Pilipino sa isyu na ito.

Kung marami pa rin po tayong hinaing tungkol sa sa nasabing kumpanya, ito po ang kanilang mga detalye:

(02) 902-2330
(CONNECTING ALL DEPARTMENTS)
(02) 902-2300
(CUSTOMER SERVICE HOTLINE)(02) 631-3228
3rd and 5th Floors, AIC BURGUNDY EMPIRE TOWER
ADB Avenue corner Garnet and Sapphire Roads
Ortigas Center, Pasig City

No comments:

Post a Comment